1
00:00:05,700 --> 00:00:22,200
Mula sa watak watak at bulubunduking isla 
ng Gresya, tayo ay dadako pakanluran upang 
tunghayan ang pagusbong ng isa sa pinakamaimpluwensya 
at grandyosong imperyo sa kasaysayan, ang 
Roman Empire.

2
00:00:22,300 --> 00:00:48,500
Ang ating istorya ay nagsimula sa isang hugis-botang 
peninsula sa Mediterranean Sea, ang Italy.

3
00:00:51,800 --> 00:01:46,400
Ang kasaysayan ng Rome ay lubos na naaapektuhan 
ng kanyang heograpiya. Ang lupain ng Italy 
ay hindi kasingbulubundukin kagaya ng Gresya. 
Dahil sa salik na ito, ang mga naninirahan 
sa Italy ay hindi nagkawatak-watak kagaya 
ng nangyari sa Gresya. Kasunod nito, masumlaking 
bahagi ng lupain ng Italy ang angkop sa pagsasaka, 
sanhi upang magkaroon ito ng malaking populasyon. 
Ang lokasyon ng Rome sa Italy ay naging malaking 
advantage sa paglakas nito. Ito ay matatagpuan 
sa pampang ng Tiber River, sanhi upng sumigla 
ang international trading at pangingisda 
sa Rome.  Di pa man, hindi rin naman ito 
matatagpuan ng sobrang lapit sa karagatan, 
kung kaya't hindi sinasakop ng mga pirata 
ang siyudad ng Rome.

4
00:01:46,500 --> 00:02:30,000
Ang Italy ay matatagpuan sa gitna ng Mediterranean 
Sea. Ibig sabihin, lahat ng paglalakbay at 
kalakalang pasilangan, pakanluran, pahilaga, 
at patimog ay dadaanan sa lugar na ito. Ang 
Rome, bago ay nakilala bilang siyudad ng 
marmol at sentro ng isang imperyo, ay nagsimula 
bilang grupo ng maliliit na komunidad. Sa 
paglaon ng panahon, ang mga maliliit na komunidad 
na ito ay nagbubuklod-buklod. Ang pinagbuklod 
ng mga komunidad na ito ang naging pundasyon 
ng siyudad ng Rome, at ng mga mamamayan nito 
na makikilala bilang mga Romans.

5
00:02:30,100 --> 00:03:46,400
Ang mga Romans noon ay pinamunuan ng mga 
hari. Ayon sa tala, ang mga sinaunang Romans 
ay nagkaroon ng pitong hari, kung saan ang 
huling dalawa dito ay mga Etruscans. Ang 
mga Etruscan ay grupo ng mga taong nanairahan 
sa hilaga ng Rome, at nagsisilbing pinakamahigpit 
nilang karibal. Ang huling haring Etruscan 
ng mga Romans ay si Tarquinius Superbus. 
 Isang na malupit na diktador Tarquinius, 
kung kaya't pinabagsak siya ng mga Romans 
sa isang rebolusyon noong 509 BCE. Ang mapait 
na karanasan na ito ng mga Romano sa ilalim 
ng isang hari, ang magtutulak sa kanila na 
magkaroon ng isang pamahalaang walang hari, 
kung saan, ang mga mamamayan ay pipili ng 
mamumuno sa kanila. Ito ang tinatawag na 
republika.  Sa loob ng ilang daang taon, 
unti-unting sinakop ng mga Romans ang kanilang 
mga kapitbahay, kung saan pinalawak nila 
ang kanilang impluwenysa. Nasakop ng mga 
Romans ang mga Latin noong 338 BCE. Makalipas 
nito, kanila namang sinunod ang mga Samnites 
sa silangan.

6
00:03:46,500 --> 00:04:34,000
Ang pinakamalaking pagbabago sa kanilang 
teritoryo ay naganap noong 264 BCE. Makalipas 
nilang masakop ang mga Etruscan. Karagdagang 
pa, nagawa din mapaalis mg mga Romans ang 
mga Griyego sa timog ng Italy noong 264 BCE. 
Makalipas ng napakaraming digmaan, sa wakas, 
nasakop din ng mga Romans ang buong Italy. 
Bakit nga ba naging matagumpay ang mga Romano 
sa pagsakop sa Italy? Isa sa itinuturong 
sanhi nito ay ang galing ng mga Romano sa 
diplomasya. Hindi lahat ng tribong kapitbahay 
ng Rome ay sinakop ng mga Romano. Inalok 
ng mga Romans ang ilan sa mga tribong ito 
ng pagkakataong maging bahagi ng republikang 
Romano, kapalit ng pagkakaroon ng citizenship 
at mga pribilehiyong kalakip nito.  Maraming 
mga maliliit na tribo ang agarang sumanib 
sa Rome, na nagresulta sa paglakas ng militar 
nito. Habang dumadami ang kaalyado ng Rome, 
paunti naman ng paunti ang mga tribong kumakalaban 
dito. Ikalawa, ang Rome

